KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

i•res•pon•sá•ble

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
irresponsable
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Nauukol sa táong hindi maaasahan sa isang tungkulin dahil pabayâ; walang kakayahan na gumanap sa responsabilidad.
Galít si Myrna sa iresponsáble niyang amá.

2. Nauukol sa anumang pagkilos nang hindi pinag-iisipan ang mga magiging resulta nitó.
Lubhang iresponsáble ang pagpaplano niya ng mga aktibidad.
PABAYÂ, WALÁNG-BAHALÀ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.