KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

i•re•gu•lár

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
irregular
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Nása kalagayang hindi naaayon sa mga tuntúnin o kinaugalian.
Maraming iregulár na transaksiyon si Albert sa kompanyang pinapasukan.

2. Kúlang o hindi palagían.
Iregulár na ang pagpapadala ng sustento ng asawa ni Beth mulâ nang magkaroon ito ng bisyo.

3. Hindi pantay.
Iregulár ang hugis ng mesang ginawa ni Ramirez.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.