KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

im•bák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtatago ng maraming kalakal.
STOCK

2. Paghahanda o pagpepreserba ng mga pagkain, tulad ng prutas, isda, karne, atbp. upang hindi masira.
TINGGÁL

Paglalapi
  • • imbákan, pag-iimbák, pagkakaimbák: Pangngalan
  • • imbakín, mag-imbák, maimbák: Pandiwa
  • • inimbák: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.