KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

i•bá•baw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pinakataas na bahagi ng anumang bagay (lalo kung sapád).

Paglalapi
  • • kaibabáwan, pagpapaimbabáw, pangingibábaw: Pangngalan
  • • ipaibábaw, magpaibábaw, mangibábaw, paibábaw, paibabáwan, pangibabáwan, pumaibábaw, umibábaw: Pandiwa
  • • nakapangingibábaw, nangingibábaw, paimbabáw, pang-ibábaw: Pang-uri
Idyoma
  • ibábaw ng lupà
    ➞ Daigdig.
    Talagang ang mabuhay sa ibábaw ng lupà ay punô ng pagpapakasákit.
  • sa ibábaw ng lahát
    ➞ Pinakamahalaga.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!