KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•wís•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
juicio
Varyant
wís•yo
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Likas na pagkukurò ng isang tao.

2. Sariling bait.
Malinaw ang huwísyo niya sa pagsáma sa iyo.
ÍSIP, KATINUÁN, PAG-IÍSIP, TINÔ

3. Paglilitis sa isang táong nagkasála.

4. Parusa o sentensiya ng isang táong nilitis.

Paglalapi
  • • humuwísyo: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.