KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•lò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. HEOGRAPIYA Dákong pinagmumulan ng ilog, sapà o batis, atbp.
Sa hulò unang nanggagaling ang malakas na agos ng tubig.
BÁLONG, BUKÁL, LABÁK

2. HEOGRAPIYA Bahagi ng isang pook na nása dákong hilaga.
ILÁYA

3. Pagkunawa o palagay tungkol sa iniisip na pinag-aalinlanganan.
Ang hulò ko sa batang iyan ay makatatapos sa pag-aaral.
KURÒ

Paglalapi
  • • hulúin, humulò: Pandiwa
Idyoma
  • luwasa’t hulò
    ➞ Pinagmulan o ang pagayon at paganito ng bagay-bagay.
    Luwása’t hulò lámang ang mga pangyayari sa mundo.

hu•ló

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Manok na túbong Jolo at kilalá sa pagiging mahusay na panabong; manok na may pálong na sanga-sanga.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.