KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hú•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Sayaw ng mga babaeng taga-Hawaii.

hula hoop

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Bigkas
hú•la hup
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

Laruang bilóg na gawa sa plastik na ipinaiikot sa baywang sa pamamagitan ng pagkembot habang kumukúnday ang mga kamay.

hu•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasabi ng maaaring mangyari sa hinaharap.
Ang hulà ng matandang babae ay nagkakatotoo.

2. Palagay o kuro-kuro tungkol sa isang bagay na hindi matiyak ang katotohanan.
Ang hulà ko ay uulan dahil madilim ang langit.
HAKÀ, LAMBÁNG, PROPESÍYA

Paglalapi
  • • manghuhulà, paghulà: Pangngalan
  • • hinulà, hinuláan, huláan, humulà, magpahulà, mahuláan, manghulà, pahuláan, pahuláin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?