KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•wá•tig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Hindi tuwirang pagsasabi o pagpapahayag ng isang ideang nais ipabatid sa kapuwa.
CLUE, HINT, IMPLIKASYÓN, PAHIWÁTIG

2. Pagkakaalam sa anumang bagay sa pamamagitan ng mga napapakiramdamang sabí-sabí.
Ang hiwátig ko, magpapadala ng tulong ang alkalde sa mga apektado ng bagyo.
HÍGING, PALATANDÁAN

Paglalapi
  • • pagpapahiwátig, pahiwátig: Pangngalan
  • • hiniwatígan, hiwatígan, humiwátig, ipahiwátig, magpahiwátig, mahiwatígan, makahiwátig, pahiwatígan, pinahiwátig: Pandiwa
  • • pahiwátig : Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.