KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hí•rap

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bigat na nadarama ng sinumang gumagawa ng nakauubos-lakas, nakararanas ng kasawian, atbp.

2. Kawalan ng pera.

Paglalapi
  • • kahirápan, paghihírap, pagpapahírap, pagpapakahírap, pahírap : Pangngalan
  • • hirápan, humírap, maghírap, magpakahírap, mahirápan, pahirápan, pahirápin: Pandiwa
  • • mahírap, pinahirápan: Pang-uri

hi•ráp

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nabibigatan sa mga gawain; nagdurusa sa kalagayan.

2. Kapos sa pera.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?