KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hin•táy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
an•táy, han•táy
Kahulugan

Pagpapalipas ng panahon hanggang sa dumating ang nais makita o mangyari.
Hinihintáy ko pa ang pagdating ng aking anák mula sa bayan.
ANTÁY, TÉKA

Paglalapi
  • • hintáyan, paghihintáy: Pangngalan
  • • hintayín, ipahintáy, maghintáy, magpahintáy, paghintayín, pahintáy: Pandiwa
Idyoma
  • waláng hiníhintáy
    ➞ Tiyak na kabiguan; walang pag-asa.
    Huwag ka nang umasa dahil waláng hiníhintáy na tugon ang iyong pag-ibig.
  • hiníhintáy na ng mga buláte
    ➞ Malapit nang mamatay.
    Hiníhintáy na ng mga buláte ang matandang iyon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.