KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•ngî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pakikiusap o pagsasabi sa kapuwa upang ibigay sa kaniya nang walang báyad ang anumang bagay na ibig niyang matamo o hilingin.
Madalas ang hingî niya ng gulay sa taníman ko.

Paglalapi
  • • hingían, kahingían, paghingî: Pangngalan
  • • hingán, hingín, hiningián, humingî, ihingî, magpahingî, manghingî, pahingiín: Pandiwa
  • • mapanghingî: Pang-uri
Idyoma
  • hiningî ang kamáy
    ➞ Pamamanhikan ng laláki sa mga magulang ng kasintahan upang pormal na ipaálam ang planong pagpapakasal.
    Hiningî ang kamáy ng dalaga sa magulang nitó upang pakasalan ang anak nilá.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.