KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•ngá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Hanging lumalabas sa bibig at ilong.
Masarap langhapin ang hingá ng sanggol.

2. Pagpapasok at pagpapalabas ng hangin mula sa bagà ng tao o hayop sa pamamagitan ng ilong.
Sunod-sunod ang hingá ko dahil sa págod sa pagtakbo.

3. Pagsasabi o pagtatapat ng sama-ng-loob.

Paglalapi
  • • hingáhan, hiningá, paghingá, pagpapahingá, pahingá, pahingáhan, pamamahingá: Pangngalan
  • • hingahán, humingá, ihingá, magpahingá, pahingahán, pahingahín: Pandiwa
  • • nahingahán: Pang-uri
Idyoma
  • ihingá ang samâ-ng-loob
    ➞ Ipagtapat ang mga hinanakit.
    Sige, sa akin mo ihinga ang samâ-ng-loob mo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?