KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hin•dî

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Ukol sa pagtanggi o hindî pagsang-ayon.
Hindî maganda ang ginawa mong pagpapahiyâ sa kaniya.
ÁYAW, DILÌ, PAGSALUNGÁT

Paglalapi
  • • kahindián, paghindî: Pangngalan
  • • hindián, humindî, ikahindî, magkahindían, makahindî, pahindián: Pandiwa
  • • pinahindián: Pang-uri
  • • hindíng-hindî: Pang-abay
Idyoma
  • hindî kakánin ng apóy
    ➞ Napakarumi na iniuukol sa damit.
    Magpalit ka na ng damit at hindî kakánin ng apóy ang suot mo.
  • hindî kakapítan ng alikabók
    ➞ Bihís na bihís.
    Saan ka pupunta? Tíla hindî kakapítan ng alikabók ang porma mo, a!
  • hindî káya ng bulsá
    ➞ Walang sapat na pambayad.
    Huwag ka nang magpatuloy sa pag-aaral dahil hindî káya ng bulsá natin.
  • hindî gawáng birò
    ➞ Lubhang mahirap; isang mabigat na gawain.
    Hindî gawáng birò ang mga gawaing bahay.
  • hindî makáin
    ➞ Hindî mapilit mapaniwala ang sarili.
  • hindî magkabibíg
    ➞ Walang maisumbat o maisurot.
    Napakabait niya, kayâ akó’y hindî magkabibíg sa kaniya.
  • hindî malulón
    ➞ Hindî matanggap ng sarili; hindi maamin ng budhî.
    Hindî malulón ng sarili kong magpakasal sa kaniya.
  • hindî malulón nang buô
    ➞ Hindî matanggap ang katwiran. Hindi matanggap ang pakikisama.
    Humingi man siya ng tawad hindî ko malulón nang buô ang kaniyang mga sinabi.
  • hindî masarhán ang bibíg
    ➞ Hindi masaway sa pagmumura; ayaw tumigil sa kasasalita.
    Galít pa siya kayâ hindî masarhán ang bibíg niya sa pagbubunganga sa mga anak na nagkasala.
  • hindî makaábot
    ➞ Hindî makaintindi ng katwiran.
    Anuman ang sabihin hindî makaábot ng katwiran ang táong sarado ang utak.
  • hindî makúha sa bibíg
    ➞ Hindî makúha sa mabuting pangaral.
    Hindî makúha sa bibíg ang katigasan ng ulo niya kayâ siya naparusahan ng ina.
  • hindî na makasampá sa púgad
    ➞ Mahinà na; matanda na.
    Hindî na makasampá sa púgad si lolo dahil sa katandaan.
  • hindî pababaúnan ng sanggátang na bigás
    ➞ Malapit lámang ang pupuntahan.
    Hindî pababaúnan ng sanggátang na bigás ang anak na sasaglit lang sa kaniyang mga lolo at lola.
  • hindî sa hagdán kundî sa bintanà nagdaán
    ➞ Nagtanan.
    Hindî sa hagdán kundî sa bintanà nagdaán ang magkasintahan na pinaghihigpitan ng mga magulang.
  • hindî sa pangungúnang baít
    ➞ Pagpuna ng táong sa tingin niya'y mas makabubuti ang ibinibigay niyang solusyon o rekomendasyon; hindi sa pagpapalagay na walang halaga ang ginagawa o iniisip ng iba.
    Hindî sa pangungúnang baít sana ay pinagbigyan mo na lang siyang mangibang bansa.
  • hindî makúha
    ➞ Hindî magawâ o walang panahon upang magawâ ang isang bagay.
    Hindî makúhang dumalaw sa matanda ang mga kamag-anak niyang nása malalayong lugar.
  • hindî makúha sa tingín
    ➞ Hindi mapasunod o kayâ ay ayaw makinig sa pamamagitan ng tingin lámang.
    Hindî makúha sa tingín ang mga batang nakakaistorbo sa mga panauhin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.