KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•na•na•kít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
hing+sakít
Kahulugan

1. Anumang bagay na ikinasasamâ ng loob.
Matindi ang hinanakít na naramdaman ng kaniyang kaibígan nang hindi siya tumupad sa pangako rito.
SINTÍR

2. Pagdaramdam na iniuukol sa isang ipinalalagáy na kautangang-loob.
Ang hinanakít palá ng kaibígan ko sa akin ay ang pagsingil ko sa kaniyang utang.

Paglalapi
  • • hinanakítan, paghihinanakít: Pangngalan
  • • ipaghinanakít, maghinanakít, paghinanakítan: Pandiwa
  • • mapaghinanakít: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?