KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•na•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
hing+salà
Kahulugan

1. Sariling pagpapakahulugan tungkol sa isang bagay na hindî nakikíta .
Ang hinalà ko ay hindi siya uuwi ngayon.

2. Pagpaparatang nang walang malinaw na katibayan.
Ang hinalà ko ay magkasintahan na ang dalawa.

3. Anumang masamáng pagpapalagay tungkol sa gawain ng kapuwâ.
Ang hinalà ko ay gáling sa nakaw ang yaman nilá.
BINTÁNG, PALAGÁY, PARÁTANG, SOSPETSA, SAPANTAHÀ, TÁHAP

Paglalapi
  • • ipaghinalà, paghihinalà: Pangngalan
  • • hinaláin, ipaghinalà, maghinalà, mapaghinaláan, paghinaláan, papághinaláin : Pandiwa
  • • kahiná-hinalà, mapaghinalà: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?