KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

him•pa•pa•wíd

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Espasyo sa itaas ng daigdig na puro hangin.
Mabilis na lumipad ang mga ibon sa himpapawíd.
AGAY-ÁY, ATMÓSPÉRA, ÉRE, KALANGITÁN, PAPAWIRÍN

Paglalapi
  • • pagsasahimpapawíd : Pangngalan
Idyoma
  • lumilipad pa o nása himpapawíd
    ➞ Wala pang katiyakan.
    Lumilipad pa ang aking mga pangarap.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.