KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hí•mag•sí•kan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
himagsík
Kahulugan

1. Pagpapabagsak sa nakatatag na pámahalaán na isinasagawâ sa pamamagitan ng pag-aalsa ng mga nagkaisang taumbayan.
Nangyari ang hímagsíkan sa ating bansa noong táyo’y sakupin ng mga dayuhan.
REBELYÓN, REBOLUSYÓN, ALSAMYÉNTO, PAGHIHIMAGSÍK

2. Digmaan sa pagitan ng mga bansâ.
GIYÉRA

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.