KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•mag•sík

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
hing+bagsik
Kahulugan

Paglaban ng isang hindi nasisiyahan lalo na ng mamamayang hindi makatiis sa pang-aapi ng namamahala.
Patuloy ang himagsík ng mamamayan sa mga tiwaling pinunò sa pámahalaán.
BÁNGON, PAG-ALSÁ, PAGBÁNGON, PAGHIHIMAGSÍK, REBOLUSYÓN

Paglalapi
  • • hímagsíkan, manghihimagsík, paghihimagsík, panghihimagsík : Pangngalan
  • • ipaghimagsík, maghimagsík, manghimagsík, paghimagsikán, paghimagsikín: Pandiwa
  • • mapaghimagsík: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?