KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hí•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paggamit ng pisikal na lakas upang mapalapit ang anumang bagay sa direksiyon ng nasabing puwérsa.
Mabilis pa rin ang híla ng kabayo sa kalesang marami ang sakáy.
BATÁK, HALTÁK. HÁTAK, KÁYAG

2. Pagyayà na sumáli sa gawain o pupuntahan.

Paglalapi
  • • hilahán, manghihíla, paghíla, panghíla: Pangngalan
  • • hiláhin, hiníla, humíla, ipahíla, ipakihíla, magpahíla, mahíla, pahiláhin: Pandiwa
Idyoma
  • hinihíla ng kamatáyan
    ➞ Sinasabi sa isang táong malimit magkaroon ng sakunâ.
    Nasagì na naman ng tricycle si Ace na párang hinihíla ng kamatáyan.
  • hinihíla ang dilà
    ➞ Hiráp na hiráp at pagód na pagód.
    Dumating siyá sa bahay na hinihíla ang dilà dahil sa págod at layò ng nilakad.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.