KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•ka•hós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkuskos ng katawan ng báka, kabayo, baboy atbp na kauri nitó laban sa punò, dingding, o bato.

Paglalapi
  • • paghihikahós: Pangngalan
  • • maghikahós: Pandiwa
  • • hikahós, naghihikahós: Pang-uri

hi•ka•hós

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Naghihírap o salat sa ikinabubúhay .
Madaling matukso sa paggawâ ng masamâ ang hikahós.
DAHÓP, DUKHÂ, KAPÓS, MAHÍRAP, MARÁLITÂ, PULÚBI

2. Napagál sa labis na trabaho o responsabilidad.

Paglalapi
  • • maghikahós: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.