KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•báng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kalagayan ng isang maysakit na nagsasalita dahil sa kataasan ng lagnat.
Nangangaligkig ang hibáng na laláki sa taas ng lagnat niya.
DELÍRYO

2. Pagiging sirâ ng isip.
Pagalà-galà ang hibáng na laláki sa aming nayon.
KALOKÓHAN, KAULULÁN

Paglalapi
  • • kahibangán, pagkahibáng: Pangngalan
  • • ikahibáng, mahibáng, makahibáng, nahihibáng: Pandiwa

hi•báng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Sirâ ang isip dahil sa narkotiko, alkohol, o masidhing damdámin.
HALÍNG

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?