KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hap•lít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpalo ng latigo.
Napalakas ng haplít sa kalabaw ng magsasaká kayâ umalma ito.
HAGKÍS, HAGUPÍT, HAMPÁS, LABTÍK

2. Pagsilakbo ng lakas, gaya sa paligsahan sa pagtakbó na ibinibirit ang hulíng lakas upang maunahan ang mga kalaban.
Panáy na ang haplít niya sa pagtakbo dahil malapit na siya sa finish line.

Paglalapi
  • • haplítan, paghaplít: Pangngalan
  • • haplitín, humaplít: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.