KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hap•dî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kirot na nadarama kapag may súgat, lalo na kung nalalagyan ng maalat, maasim, o maanghang na bagay.
Ramdam ko ang hapdî ng súgat ko nang mabasâ ang kamay ko.

Paglalapi
  • • paghapdî: Pangngalan
  • • humapdî, pahapdiín, manghapdî: Pandiwa
  • • mahapdî: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.