KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ham•pás•lu•pà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
hampás+lupà
Kahulugan

Táong tamad at walang ginawa kundî ang magpalibot-libot; táong walang hanapbuhay.
Kinaiinisan ng pamilya ang hampáslupà nilang kaanak na madalas umasa sa kanila.
BAGAMÚNDO, LAGALÁG

ham•pás-lu•pà

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Walang hanapbuhay, tamad at walang ginagawa kundî ang maglibot sa kung saan-saan.
Dalangin ko na magkahanapbuhay na ang pamangkin kong hampáslupà.
GALÂ, LAGALÁG, LIBÓT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.