KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•móg

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

METEOROLOHIYA Butil-butil na tubig na bumabasâ sa mga dahon ng halaman kung gabí at kung umaga bago sumíkat ang araw.
Malamig ang hamóg sa gabí.

Paglalapi
  • • paghamóg: Pangngalan
  • • humamóg, pahamugán, magkahamóg, mahamugán: Pandiwa
  • • mahamóg: Pang-uri
Idyoma
  • hamóg sa tag-aráw
    ➞ Kaginhawahan sa mahihirap.
    Masaya ang pamilya dahil nabigyan silá ng hamóg sa tag-aráw.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?