KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•lik•wát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghahanap ng bagay na nawawalâ sa mga taguang ipinalalagay na napaglagyan.
Walang tígil ang halikwát ni Maycee sa buong kuwarto sa paghahanap ng nawawalang papeles.

2. Pagpapaawáng o pagpapaangat sa isang bagay na mabigat.
Nagpatulong siya sa paghalikwát sa sofa upang kunin ang tsinelas na pumailalim dito.
BULATLÁT, HALUGHÓG, HALUNGKÁT, HALÚKAY, SIKWÁT

Paglalapi
  • • hálikwátan, paghalikwát: Pangngalan
  • • halikwatín, humalikwát, ipahalikwát, maghalikwát: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?