KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•la•gá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
harga
Pinagmulang Wika
Malay
Kahulugan

1. Anumang pakinabang na natatamo sa isang bagay.
Hindi birò ang halagá na tinubò ng kaniyang negosyo.
SAYSÁY, KAHALAGAHÁN, IMPÓRTANSIYÁ, BÚLO

2. Bílang o dami ng salapî na kailangan, ibinibigay, o hinihingî bílang kapalit ng kalakal.
Malaking halagá ang hinihingi ng nagbebenta ng lupà.
PRÉSYO

Paglalapi
  • • halagáhan, paghahalagá, pahalagá: Pangngalan
  • • kahalagáhan, pagpapahalagá: Pangngalan
  • • halagahán, maghalagá: Pandiwa
  • • magpahalagá, pahalagahán, pinahalagahán: Pandiwa
  • • kahalagá: Pang-uri
  • • mahalagá : Pang-uri
Idyoma
  • halagáng kambíng
    ➞ Pare-pareho ang halagá ng tinda, malaki man o maliit.
    Halagáng kambíng ang presyo rito kayâ maraming parokyano.
  • walâ sa halagá
    ➞ Pagpapataw ng halaga o pagtuturing sa anumang ipinagbibili na malayò sa totoong presyo nitó.
    Walâ sa halagá ang iyong paninda kayâ hindi ito dinudumog ng mga mámimili.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.