KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•lò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasáma ng isang bagay sa iba sa loob ng sisidlan.
Ilagay mo na ang gatâ ng niyog sa halò ng kamote, saging, sagó, at biló-biló upang maisalang na.
DAGDÁG, LAHÓK, SAHÓG

2. Paghalukay sa laman ng sisidlan gaya ng palayok, palanggana, atbp.
Dalasan ang halò sa tsampurádo upang lumapot.

3. Paglapit o pakikisáma sa karamihan.
Ang paghalò ng batà sa karamihan ng tao ang naging sanhi ng kaniyang pagkawala.

Paglalapi
  • • kahalò, paghalò, paghalúan, pakikihalò, panghalò: Pangngalan
  • • halúan, halúin, hinalò, humalò, ihalò, ipaghalò, ipanghalò, maghalò, mahalò, makihalò, paghalúin: Pandiwa
  • • mapaghalò: Pang-uri
Idyoma
  • maghahalò ang balát sa tinalúpan
    ➞ Matúngo sa masamâ ang usapan; maging magulo ang pag-uusap.
    Sinabihan na siya ng panganay na kapatid na maghahalò ang balát sa tinalúpan kapag hindi ito tumigil sa pagsagot sa amá nang pabalang.

há•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Matigas na kahoy na ginagamit sa pagbayó ng palay sa lusong.
Mabigat ang hálo na gámit ni lolo.

ha•lô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Magkasáma sa sisidlan; magkalahok.
Halô nang lahat ang lahok kayâ pakukuluin at hahaluin na lang ang niluluto nating ginataan.
SÁMA-SÁMA

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?