KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•lík

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagdadampi ng labì sa anumang bahagi ng katawan bílang tandâ ng pagmamahal, paggalang, o pagbatì.
BÉSO, KISS, UMÀ

2. Pagdidikit ng bibig sa isa't isa sa paraang seksuwal.
KISS

Paglalapi
  • • halíkan, paghahalíkan, paghalík: Pangngalan
  • • halikán, hinalikán, humalík, ihalík, maghalíkan, magpahalík, manghalík, paghalikín: Pandiwa
  • • palahalík: Pang-uri
Idyoma
  • halík ni Hudás
    ➞ Ang halík ng isang táong taksil at di-tapat sa kapuwa.
    Inihalintulad niyang halík ni Hudás ang iginawad sa kaniyang halík ng kaibígan.
  • humalík sa yapák
    ➞ Sumasamba; malabis na paghanga.
    Nagsumamo ang laláki na mahalin din siya ng nililigawan at sukdulang humalík sa yapák nitó.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?