KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hak•bót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Biglaang pagsunggab o pagdaot sa anumang ibig kunin o ihagis.
Agad ang hakbót ng pulis sa pasaherong mandurukot.

2. Biglang pagbúnot ng sandata gaya ng itak na hinugot sa kaluban.
Ang hakbót ng laláki sa itak sa kaniyang baywang ay akto lámang ng pagtatanggol sa sarili.
HABLÓT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.