KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•gu•nót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Ingay na biglaan at mabilís na pagdaan ng bála o sasakyán.
Nakatatakot ang hagunót ng sasakyáng nagdaan.
HAGÍBIS

2. Biglang pagsalimbay ng anumang mabilis na lumilipad o tumatakbó.
Mabilis ang hagunót ng mga eroplano sa himpapawid.

3. Tunog ng malakas na hangin.
Malakas ang hagunót ng bagyong nananalanta sa bansâ.

Paglalapi
  • • paghagunót : Pangngalan
  • • humagunót: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.