KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•gí•lap

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Madaliang pagkuha ng anumang magagamit sa biglaang pangangailangan.
Agad ang hagílap niya sa payong nang magsimulang umulan.

2. Paghahanap ng anuman sa madilim o magulong lugar.
Dahan-dahan ang hagílap niya sa tsinelas upang hindi magising ang sanggol.

Paglalapi
  • • paghagílap: Pangngalan
  • • hagilápin, hinagílap, humagílap, ipanghagílap, maghagílap, mahagílap, makihagílap: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?