KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hí•rap

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Bigat na nadarama ng sinumang nagtitiis o nagdaranas ng págod, pagkasawî, o anumang uri ng pagkabigô at pinsalà sa gawain, katawan o pag-iisip.
Nadama niya ang hírap mulâ nang mamatay ang kaniyang asawa.

Paglalapi
  • • kahirápan, paghihírap, pagpapahírap, pagpapakahírap, pahírap : Pangngalan
  • • hirápan, humírap, maghírap, magpakahírap, mahirápan, pahirápan, pahirápin: Pandiwa
  • • mahírap, pinahirápan: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.