KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•wa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kulay o duming nasalin sa anuman (gaya ng mantsa sa damit).
Masagwang tingnan ang háwa sa damit na putî.

2. Pagkalat at pagkapit ng anumang karamdaman mula sa isang tao tungo sa isa pa.
Umiwas ka sa háwa ng sakít na bulutong.
LÁLIN, IMPEKSIYÓN, LÁNIT

3. Sinasabi sa mga manugang na hindi katutubò sa pamilya.

Paglalapi
  • • pagkakaháwa: Pangngalan
  • • hawáhan, humaháwa, humáwa, iháwa, magháwa, mahawáhan, maháwa, mangháwa: Pandiwa
  • • nakahaháwa: Pang-uri
Idyoma
  • háwang-lamíg
    ➞ Hindi tunay na kamag-anak.
    Háwang-lámig lámang si Lani pero itinuturing pa rin namin siyáng tunay na kapamilya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.