KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•tak

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
bá•tak
Kahulugan

1. Paghila o pagbátak kung naghihigpit ng talì.
Dahan-dahan lang ang hátak sa pisì at bakâ malagot.

2. Paghawak at paghila sa isang ibig dalhin lalò sa isang tumatangging sumáma.
Mahigpit ang hátak niya sa kamay ng kaibigan upang sumáma sa kasalan.
HÍLA

Paglalapi
  • • hatakán, paghátak, panghátak, tagahátak: Pangngalan
  • • hatákin, humátak, ihátak, ipahátak, maghatakán, maghátak, magpahátak, mahátak, makihátak, manghátak, manghátak, pahatákin: Pandiwa
  • • hátak-hátak: Pang-uri
  • • pahátak: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?