KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•ri•bón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
harì+íbon
Kahulugan

ZOOLOHIYA Pambansang ibon (Pithecophaga jefferyi) ng Pilipinas na katutubò sa mga kagubatan ng bansa, kulay-kape ang balahibo sa pakpak at ulo samantálang manilaw-nilaw na puti sa ibang bahagi, at itinuturing nang nanganganib na maglahò.
BÁNOY

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?