KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•ngin

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Halo-halong gas na bumubuo sa atmospera ng daigdig na naglalanghap at nagtataglay ng mga sangkap na mahalaga sa pagpapanatili ng búhay.
ÁNGIN, DÚROS, ÉRE, PARÓS, WIND

Paglalapi
  • • kahangínan, páhangínan: Pangngalan
  • • hangínin, humángin, magpahángin, mahangínan, pahangínan: Pandiwa
  • • mahángin: Pang-uri
Idyoma
  • magbágo ang hángin
    ➞ Magbágo ang mga pangyayari.
    Sa simula ay nananalo silá, ngunit nang magbágo ang hángin ay natigil ang kanilang pangangantiyaw.
  • humábol sa hángin
    ➞ Maghangad o umasa sa wala.
    Humábol sa hángin ang mga táong pinangakuan ng politiko.
  • may hángin ang úlo
    ➞ Sinungaling; mapagsabi ng mga kahambugan; mayabang.
    May hángin ang úlo ng kaklase kong bagong lipat.
  • palipád-hángin
    ➞ Parinig sa isang babaeng hindi mapagtapatan nang tuwiran.
    Palipád-hángin lámang ang pagligaw niya sa dalaga dahil sa hiya.
  • paraáng hángin
    ➞ Salita o pangungusap na walang halaga.
    Paraáng hángin lámang ang sinabi niya dahil wala itong katuturan.
  • malakás ang hángin
    ➞ Ipinaririnig sa isang nagsasalita ng mga kahambugan.
    Malakás ang hángin kapag nagsasalita ang binatang iyan.
  • tinamáan ng hángin
    ➞ Pariralang malimit mabigkas kapag ang isang tao ay may isinisisi sa kapuwa.
    Tinamáan ng hángin, bakit gayon naman ang ginawa mo sa kaniya?
  • nasampál ng hángin
    ➞ Sinasabi sa isang nawawalan ng málay-tao na ang dahilan umano ay masamáng hanging tumama sa kaniya.
    Maaaring nasampál ng hángin ang hinimatay na babae.
Tambalan
  • • katamtámang-hánginPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.