KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•nay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
hánay
Kahulugan

1. Sunod-sunod at maayos na paglalahad ng katwiran o pagpapaliwanag.
Mahusay at maayos ang hánay ng mga idea at impormasyon sa kaniyang talumpati.

2. Maayos na pagkakasunod-sunod ng anuman.
Nakatutuwang pagmasdan ang hánay ng mga kawal habang silá ay nagsasanay.
HALAYHÁY, HILÉRA, LINYÁ, PÍLA, PORMASYÓN

3. PANGINGISDA Limit o dálang ng pagkakatali ng lambat sa kawáyan.
Panayin ang hánay ng talì sa lambat upang hindi malubid ng hangin.

Paglalapi
  • • hinánay, humánay, ihánay, ipahánay, maghánay, makihánay, mapahánay, pahanáyin, pinahánay : Pandiwa
  • • kahánay, pinahanáyan: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.