KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•nap

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Ginagawa upang makita ang anumang nawawala; pagsaliksik sa mga lugar na kinaroroonan ng bagay na ibig makita.
Inaraw-araw niya ang hánap ng mga aklat na kailangan sa saliksik na ginagawa.
TUNTÓN

2. Kuwarta o anumang bagay na kiníta sa pagtatrabaho.
Natugunan niya ang pangangailangan ng kaniyang pamilya dahil sa hánap na pera.

Paglalapi
  • • hanapán, paghánap, pinaghanápan: Pangngalan
  • • hanápan, hanápin, hinahánap, hinahánap-hánap, hinánap, humánap, ihánap, ipaghanáp, maghanapán, maghanáp, makihánap, paghanápan, paghanápin, pinaghanáp: Pandiwa
  • • mapaghánap: Pang-uri
Idyoma
  • hánap sa túbig
    ➞ Kapalarang nakuha sa hindi mabuting paraan.
  • humánap ng sakít ng úlo o katáwan
    ➞ Gumawa ng isang bagay na sa halip makabuti sa sarili ay lalong nakapagdulot ng samâ.
    Humánap ng sakít ng úlo ang kapatid kong nagpalayaw sa anak.
  • paghánap ng bútas
    ➞ Paggawa ng paraan o dahilan upang magsabi o makaiwas sa pananagútan.
    Ang paghánap ng bútas sa hindi niya pagbabayad ang madalas niyang ginagawa sa kaniyang pinagkakautangan.
  • nakíta ang hinahánap
    ➞ Malimit masabi sa isang táong napasubo sa basag-ulo dahil sa kapalaluan.
    Nakíta ang hinahánap niya nang makulong siya dahil sa pakikipag-away.
  • pinaghahanápan
    ➞ Sinisisi sa pagkukulang.
    Madalas na pinaghahanápan niya ng dahilan ang bunsong kapatid sa pagkakasakit ng amá.
  • humánap ng katí ng katawán
    ➞ Ibig na magkaroon ng basag-ulo.
    Binawalan na siyang lumabas ngunit lumabas pa rin ng bahay at humánap ng katí ng katawán.
  • humánap ng batóng ipinukpók sa úlo
    ➞ Gumawa ng isang bagay na nakapinsala sa sarili.
    Pára siyang humánap ng batóng ipinukpók sa úlo nang mag-asawa siyáng mulî ng laláking tamad palá.
  • humánap ng hírap ng katawán
    ➞ Gumawa ng isang bagay na hindi káya.
    Pagtapusin muna ang mga anak bago humánap ng hírap ng katawán sa mga pamangkin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?