KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•món

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
jamon
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

KULINARYO Inasnan at inimbak na hità ng baboy para sa mga paghahanda o okasyon.
Hindi nawawala ang hamón sa hapagkainan ng mga Pilipino tuwing Pasko.

há•mon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anyaya sa pakikipaglaban o pakikipagtuos sa lakas o kakayahan sa anumang bagay.
Tinanggap niya ang hámong suntukan ng kaniyang karibal.
RÉTO, DESÁPYO

Paglalapi
  • • paghahamón, paghámon: Pangngalan
  • • hamúnin, hinámon, humámon, ihámon, maghamón, maghamúnan, manghámon: Pandiwa
  • • mapanghámon: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?