KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gú•tom

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pakiramdam ng pagnanais na kumain.
Ramdam na ramdam ko ang gútom dahil sa maghápong wala pang kain.

2. Pagiging sabik o gahaman.

Paglalapi
  • • kagutúman, pagkagútom, taggutóm: Pangngalan
  • • gutúmin, magpakagútom, magutúman, magútom, nagugutúman, nagugútom: Pandiwa
  • • nagugútom, nakagugútom: Pang-uri
Idyoma
  • waláng-gútom
    ➞ Hindi magugutom dahil maykaya sa búhay.
    Mahiga man maghapon at hindi magtrabaho ang mag-anak, waláng-gútom ang mga iyan.
Tambalan
  • • pantawíd-gútomPangngalan
  • ➞ Anumang makokonsumo upang magkalamán ang tiyan na maaaring kakaunti o hindi karaniwang pagkain.

gu•tóm

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Walang lamán na pagkain ang tiyan o kulang pa sa pagkain.
Hindi akó nag-almusal kayâ gutóm akó ngayon.

2. Tingnan ang sabík
Gutóm sa karangalan ang babaeng iyon.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?