KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gu•sót

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang suliranin o kalagayang wala sa ayos.
May kaunting gusót lang kami ngayon pero mareresolba rin ito.

2. Tingnan ang hidwáan
Matagal na ang gusót sa pagitan ng magkapatid.

3. Bahagi ng tela o damit na lukot.
Nagplantsa akó para maalis ang mga gusót sa aking T-shirt.

Paglalapi
  • • kagusután, pagkagusót: Pangngalan
  • • gusutín, magusót: Pandiwa
  • • gusót-gusót, gusútin: Pang-uri

gu•sót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May mga bahaging lukót (kung sa tela o damit).
Ayusin ang tiklop ng damit upang hindi maging gusót.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?