KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

git•nâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagitan ng dalawang anuman na pareho ang layo sa magkabiláng dulo.
Nakaupo sa gitnâ naming magkapatid ang isa niyang anak.

2. Pinakapusod ng anumang bagay (lalo na kung pabilog).
Butás ang gitnâ ng gulóng.
SÉNTRO

3. Dákong nililigid ng iba pang bahagi o pangyayari sa gitna ng isang tanging panahon, takbo ng mga pangyayari, atbp.
Sa gitnâ ng kasayahan, biglang nagtakbuhan ang mga panauhin sa silungán nang bumagsak ang ulan.

Paglalapi
  • • kalagitnáan: Pangngalan
  • • gumitnâ, igitnâ, ipagitnâ, maggitnâ, pagitnaán, pamagitánan, pumagitnâ: Pandiwa
  • • panggitnâ: Pang-uri
Idyoma
  • lumagáy sa gitnâ
    ➞ Mamagitan o magpasiya nang walang kinikilingan sa mga panig.
    Lumagáy ka sa gitnâ kung gusto mong umayos ang sigalot ng dalawa mong kaibígan.
  • pumagitnâ sa politiká
    ➞ Lumahok sa politika o nagkandidato.
    Nagpasiya siyang pumagitnâ sa politiká bunga ng panghihikayat sa kaniya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?