KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gan•tí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang ibinibigay sa kapuwa bílang kapalit ng paglilingkod na tinatanggap.
Dahil sa pagtulong ng batà sa pagtitinda ko, ang gantí ko naman ay ang pangmeryenda at pamasahe niya.
BAWÌ

2. Tingnan ang tugón
Ipinadalá ko na ang gantíng sulat sa kaibígan kong nása Canada.

3. Tingnan ang higantí
Matindi ang ginawa niyang gantí sa nagpahirap sa kaniya.

Paglalapi
  • • paggantí, paghihigantí: Pangngalan
  • • gantihán, gantihín, gumantí, igantí, makagantí: Pandiwa
  • • mapaghigantí: Pang-uri
Tambalan
  • • gantíng-loóbPangngalan
  • ➞ Pagkilála ng utang-na-loob.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?