KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gú•long

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-ikot nang papihit-pihit gaya ng galaw ng bola, gulóng, atbp.

2. Paulit-ulit na pagbiling ng katawan.

Paglalapi
  • • paggúlong: Pangngalan
  • • ginulúngan, ginúlong, gulúngan, gumúlong, igúlong, magpagúlong-gúlong, pagulúngin: Pandiwa
Idyoma
  • makagúlong at magulúngan
    ➞ Ang puhunan at napanalunan ay laging kasáma sa pagpusta.

gu•lóng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Bilóg na balangkas na nakakabit sa gitna ng isang bára upang magpagalaw ng sasakyán, makinarya, atbp.
RUWÉDA

Idyoma
  • gulóng ng pálad
    ➞ Suwerte.
    Maganda ang gulóng ng pálad ni Rosy.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.