KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gí•ling

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpapadaan ng butil ng palay sa gilingan upang maging bigas.

2. Pagdurog at sakâ pagbuo sa anumang sangkap (lalo na ng karne) upang ihanda.

3. Pagsayaw na paikot at masigla.

Paglalapi
  • • manggigíling : Pangngalan
  • • gumíling, maggíling: Pandiwa

gi•líng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

KULINARYO Duróg na (ang galapong) o bigas na (ang butil ng palay).

Paglalapi
  • • gilingán: Pangngalan
  • • gilíngin, gumíling, ipagíling, maggíling, magpagíling: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?