KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gás•tos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
gásto+s
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Paggamit ng pera para sa anumang transaksiyon.
Milyon na ang gástos sa ipinagagawang bahay ng aking ninong.
GÚGOL

2. Tingnan ang gastúsin
Umiiwas akó sa pagbili ng kung ano-ano dahil marami akong gástos ngayon.

Paglalapi
  • • paggástos, panggástos: Pangngalan
  • • gastusín, ginástos, gumástos, ipagástos: Pandiwa
  • • magástos: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?