KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gá•bi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
gá•be
Kahulugan

BOTANIKA Halamang-ugat (Colocasia esculenta) na naigugulay rin ang dahong malapad at hugis-puso.
LAGWÁY

ga•bí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Bahagi ng magdamag búhat sa paglubog ng araw hanggang bago sumapit ang hatinggabi.

Paglalapi
  • • gabihín, gumabí, magpagabí: Pandiwa
  • • gabí-gabí, kagabí, panggabí: Pang-uri
  • • kinágabihán: Pang-abay
Idyoma
  • ginagawáng áraw ang gabí
    ➞ Walang tigil sa paggawa o pagtatrabaho kahit gabí.
    Napakasipag ng kaniyang ama, ginagawang áraw ang gabí.
  • malálim na ang gabí
    ➞ Gabíng-gabí na o malápit nang maghatinggabi.
    Malálim na ang gabí nang dumating ang anak na hinihintay.
  • may sa gabí
    ➞ Táong hindi naliligo.
    May sa gabí ang táong iyan kayâ ibang-iba ang amoy.
Tambalan
  • • hátinggabíPangngalan
  • ➞ Oras sa kalagitnaan ng gabí na ika-12 sa orasán.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?