KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

es•trél•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
estrella
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

METEOROLOHIYA Tingnan ang bituín
Hindi mabilang ang estrélya na makikita sa kalangitan kapag maganda ang panahon.

es•trél•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
estrella
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

BOTANIKA Halamang (Hippobroma longiflora) tumataas nang 20–50 sentimetro, mabango ang bulaklak na putî, hugis-bituin, at maikling tuwid ang tangkay.
LAGRÍMAS DE SAN DIÉGO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?