KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

es•pí•ri•tú

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Tingnan ang kaluluwá
Takót akóng makagambala ng masasamáng espíritú.

2. Tingnan ang diwà
Hindi ko ramdam ang espíritú ng selebrasyon.

3. Tingnan ang álak
Umiiwas na raw siya sa malalakas na espíritú.

4. Pagkakaroon ng karbonasyon sa isang inúmin (lalo na ng softdrink).
Wala nang espíritú 'yong binuksan mong bote kagabi.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?